Para sa Komunikasyon hindi sa Adiksyon!

 

konnikova-internet-addiction-1200
http://www.newyorker.com/wp-content/uploads/2014/11/Konnikova-Internet-Addiction-1200.jpg

 

Sinasabi natin na kaya natin nais ang modernisasyon ay upang mapadali ang pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa ating mga mahal sa buhay.Ito ang tumatatak sa bawat isipan ng isang ordinaryong mamamayang Pilipino.Ito ang nasa isipan ng isang mortal kung bakit siya sumasabay sa agos ng daluyong ng modernisasyon.Hindi pa ba tayo sumosobra?Pag-isipan natin ito ng mabuti.

 

 

1234
http://www.alipso.com/alipso_portada_monografias_examenes.jpg

Tayo ay magnilay-nilay sa bawat segundong dumaraan,maaaring lumalabis na ang ating paggamit sa internet sa ating kapaligiran.Sa katunayan ay maraming nahuhumaling sa paggamit nito.Ang masama lamang ay dumarami na rin ang sumosobra sa paggamit nito.May mga hindi na nakakapag-aral ng mabuti,napapasama sa mga malalaswang gawain,nakakagawa ng karumal-dumal na krimen at iba pa.Ang masama pa nito ay maraming kabataan ang napapasama sa mga suliraning dulot ng modernisasyon. Halimbawa sa mga mag-aaral na kagaya ko,nakakatulong ang internet sa pag-aaral sapagkat nandiyan ang google para sa mga dapat hanaping takdang aralin.Ang suliranin lang ay ang pagmamalabis ng marami sa paggamit.May mga inaabot na ng madaling araw sa paggamit ng internet.Ang iba ay hindi na makakain dahil dito at may mga nauudyok pa sa mga maling gawain.Mga maling gawaing hindi dapat pahintulutang mangyari.Dahil rin sa internet kaya may mga kabataang nakakabit na sa mga malalaswang gawain.Napapadali ang paglaganap ng pornograpiya dahil sa internet.Hindi lang ito sumisira ng buhay,ito rin ay lumalason sa isipan ng mga tagapanood o tagabasa lalong lalo na ang mga kabataan na maudyok sa ganitong uri ng maling kalakaran.Dahil rin sa internet kaya dumarami ang krimen.Bukod sa pornograpiya at ang mga iligal na mga palabas ay nandiyan din ang mga biktima ng panggagahasa.May mga taong may musmos na kaisipan ang nabibiktima ng kanilang mga nakikilala lamang sa internet.Mayroon ding tinatawag na Cyber Bullying na nangyayari sa mga social media sites.

 

iStock_000006664728Medium1
http://education.ufl.edu/news/files/2013/01/iStock_000006664728Medium1.jpg

Tayo mismo ay kailangang umaksyon.Mag-uumpisa ito sa ating mga sarili upang mabawasan man lang ang adiksyon.Adiksyong hindi sa droga kundi sa modernisasiyong dala-dala ng internet.

– Internetatrisk
Signing off …

Laro Mula sa Huwad na Mundo

 

20110711_003
http://globalevent.ttesports.com/newsletter/image/20110711_003.JPG

Walang masama sa paglilibang.Ngunit maraming kabataan ang naaadik na sa iba’t-ibang laro sa internet.Imbes na naglalaro sa labas ay nananatili na lamang sa kanilang silid o kaya sa mga”computer shop”.Isa ito sa nakakadagdag ng adiksyon sa internet.

dota-2-official
http://assets.vg247.com/current/2014/08/dota-2-official.jpg

Napakaraming “computer games” ang sumisikat sa mga kabataan na pumupukaw ng kanilang atensyon na madalas ay nag-uugat pa mula sa mura nilang kaisipan dahil sa pagkabata.Ilan sa mga sikat na laro ay DOTA,League of Legends at iba pa.Maraming kabataan ang may pagmamalabis sa paglalaro nito.Kahit na ang mga mas nakakatanda ay naglalaro rin nito.Ito siguro ang nagpapasidhi sa kagustuhan ng mga mas nakababata sapagkat nakikita nila ito sa mga nakatatanda.Napakaraming oras ang ginugugol ng mga taong naglalaro ng mga larong ito.Binibigyan nila ito ng napakaraming panahon dahil sa pagkahumaling rito.Isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng adiksyon rito ay dahil sa madaling makahanap ng lugar na maaaring paglaruan nito.Nagkalat na ang mga computer shop o pisonet sa iba’t ibang lugar.Dahil sa labis na paggamit ay marami ang naaapektuhan nito.Isa na rito ang pag-aaral ng mga mag-aaral na nahuhumaling rito.May mga pagkakataong lumiliban na sa klase sa kanilang paaralan ang mga mag-aaral makapaglaro lang nito.Naaapektuhan nito ang mga marka nila sa paaralan at nasasayang ang oras ng mga mag-aaral sa paglalaro na dapat ay itinutuon nila sa pag-aaral.Ang salaping ibinibigay naman sa kanila ng kanilang mga butihing magulang ay nasasayang lamang sa gastos nila sa mga larong ito.Nasasayang ito sa kabayaran sa renta sa “computer shop”.Nagkakaroon rin ng sugal dito sapagkat nagkakaroon ng pustahan sa pagitan ng mga maglalaro.May mga pagkakataong nauuwi pa ito sa away at gulo.Naaapektuhan rin ang kalusugan ng mga taong naaadik na rito.May mga taong hindi na halos nalalamnan ang kanilang sikmura para lamang sa panandaliang ligaya buhat ng paglalaro.Nagkakasakit sila dahil sa labis na pagtuon ng pansin sa laro samantalang hindi na nila iniintindi ang kanilang kalusugan.Nalilimutan na rin ang paglalaro ng mga tunay na laro tulad ng mga laro ng ating lahi (piko,tumbang preso,etc.) at paglalaro ng sports.Samakatuwid ay ang isang malaking dahilan kung bakit dinadapuan ng adiksyon ang isang tao ay dahil sa ang mga laro nalang ang pinagtutuunan ng pansin at hindi ang mas makabuluhang bagay.Marapat lamang ay makahanap na tayo ng solusyon rito sapagkat maraming pamilya ang apektado nito.

p7mdwmhx-1336012510
https://c479107.ssl.cf2.rackcdn.com/files/10305/area14mp/p7mdwmhx-1336012510.jpg

Kung sa sarili mismo natin sisimulan ang pagbabawas ng paglalaro,magkakatulong tayo sa komunidad.Lumabas sa mundo ng huwad na palaruan at maglaro sa sugal ng realidad.Kumawala sa tanikalang bunga ng pakikipaglaban sa laro at makipaglaban sa tunay na laro ng buhay.Labanan ang pakikipagtunggalian sa mga computer games at makipagtunggali sa adiksyon nito.Kung ito ang itatatak natin sa ating isipan ay magagawa natin ito.

Internetatrisk

– Signing off …

Adiksyon sa Pornograpiya mula sa internet

sexting_pic
http://www.sbs.com.au/news/sites/sbs.com.au.news/files/styles/body_image/public/sexting_pic.jpg?itok=Tkj_TMDb&mtime=1438080917

Pornograpiya ang isa sa mga dahilan ng pagkahumaling ng mga tao sa internet.Ito ay maaaring babasahin o palabas na pumupukaw ng sekswal na interes ng isang tao.Ang adiksyon rito ay isang suliranin ng mundo.Ating lubos na alamin ang mga bagay tungkol rito.

 

Internet1
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/7/75/Internet1.jpg

Maraming mamamayan ang nahuhumaling sa pornograpiya sa internet.Isang malaking kalakaran ito sa buong mundo.Kaya ito tinatangkilik sapagkat madalas makukuha mo ito ng libre o hindi naman kaya ay sa mababang halaga lamang.Madali lamang makapanuod o makakuha nito.Sa simpleng paraan lamang sapagkat kailangan mo lang ng cellphone,laptop,computer,tablet at iba pa para rito.Isa pang kailangan ay internet connection at “wifi” para makakuha nito.Ang napakalaki nitong kalakaran sa buong mundo ang dahilan kaya napakahirap sugpuin ng adiksyon rito.Marami kasing tao ang kasapi sa ganitong uri ng gawain mula sa mga naglalakas-loob na gumawa nito hanggang sa mga tao mismong nakikita sa mga malalaswang litrato o palabas na nililikha at ipinapakita sa publiko.Pagdating naman sa mga kabataan,ang mga nakatatanda ang mas nakakaimpluwensya sa mga kabataan.Naitatanim kasi sa isip ng mga kabataan ng tama ang ganitong gawain.Nagiging isang mapaminsalang sakit ito sa marami.Ngunit ang mas naaapektuhan nito ay ang mga kabataan.Marami ang nagiging masamang bunga nito sa mga itinuturing na pag-asa ng bayan.Dahil rito ay maagang namumulat ang kaisipan nila sa pornograpiya.Kaagad napupukaw ang kanilang mga murang mata at isip sa mga malalaswang gawain.Hindi ito maganda sapagkat mura pa ang kanilang isipan at hindi ito karapat-dapat sa kanilang edad.Nagiging normal na lang sa kanila ang maling gawain na ito.Ang adiksyon rito ang pinakamalaking maaring maging bunga ng maagang pagkahumaling sa pornograpiya.Kung mababawasan ang pornograpiya,mababawasan ang adiksyon.Ito ang magsisilbing isang hakbang para sa pag-unlad ng ating bansa.

– Internetatrisk

– Signing off …

Social Media : Pagkahumaling ng mga makabagong kabataan

 

just-one-more-tweet-dad
http://www.newhealthguide.org/images/10421471/just-one-more-tweet-dad.jpg

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”,ang pinaniniwalaan ng napakaraming mamamayang Pilipino.Ngunit ito ba ay matutupad kung ang itinuturing na pag-asa ay nakukulong sa bilangguan ng modernisasyon?Bilangguan ng pagkahumaling ng husto sa internet.

 

social-networking-sites-2016
http://www.computergeekblog.com/wp-content/uploads/2016/01/social-networking-sites-2016-.jpg

Ang mga social media sites ay nagbibigay ng mga bagay na mapaglilibangan ng mga mamamayan.Ito ay kaakibat na ng modernisasyon sa ating pamumuhay.Noon ay friendster lang ang mayroon ngunit marami ng lumitaw na mga bagong kinahuhumalingan lalong lalo na ng mga kabataan.Ilan sa mga ito ay ang facebook,twitter,instagram at marami pang iba.Nakikilala nila ng mabuti ang kanilang mga kaibigan.Naipapakita ng mga tao ang mga larawang nais ipakita.Nandiyan rin ang mga video na naipapanuod sa iba’t ibang uri ng tao.Pakikipag-“chat” sa messenger,pagpo-post sa facebook at pagte-“tweet sa twitter.Nahuhumaling ang mga tao sa nillaman ng bawat “site” na mayroon sa internet.Nagpapahayag sila ng kanilang sariling saloobin.Naihahayag nila ang kanilang mga nararamdaman,ang kanilang mga nais ibahagi.Maaari mo ring maibahagi ang iyong mga gawain.Maipapahayag mo ang iyong kinakaing pagkain,lugar na pinupuntahan,gawaing pinag-uukulan ng panahon,mga bagay na nais mong ipagmalaki,mga ala-alang nais balikan at marami pang iba.Makikita mo rin dito ang mga gawain ng mga paborito mong artista.Halimbawa sa facebook,kung mabibisita mo ang isang “fan page” ng iyong iniidolo ay malalaman mo ang mga ginagawa niya o kaya naman kapag nag-“tweet” siya sa kaniyang twitter account ay malalaman mo ang saloobin niya sa isang isyu o ang kaniyang mga nais sabihin.Makakabasa ka rin ng mga balita tungkol sa iyong mga kaibigan,sa mga iniidolong artista,tungkol sa bansa at sa buong mundo.Isa pang marahil na dahilan ay ang pagiging pandaigdigan nito at pagiging bukas nito sa lahat.Maging mayaman ka man o mahirap,maging bata o matanda,lalaki o babae,may asawa o wala,masaya ka man o malungkot at kahit sino ka man ay malaya kang gumamit ng mga social media sites na ito.Napakarami talagang dahilan upang mahumaling ng husto ang mga gumagamit nito.Nagiging bunga nito ay ang hindi na tamang oras ng paggamit at pagkahumaling nila ng lubos.Napupunta na sa adiksyon na kanilang hindi na napapansin sapagkat nakatuon na ang kanilang pansin sa modernisasiyong lumamon na sa kanilang oras at panahon.Naging malaking suliranin ito sapagkat natutuon na lang ng mga tao ang maraming oras nila sa paggamit ng social media sites na datapwat ay ginagamit nila sa ibang mas mahalagang bagay.Titigil lang kapag naubos ang load o kaya naman ay mabagal ang signal o kaya naman ay mabagal ang wifi.Nakakalimutan kasing limitahan ang paggamit upang hindi ito maging labis.
Ano man ang katayuan sa mundo,may karapatan tayo.Malaya tayong gamitin ang mga social media sites.Ngunit kailangan natin ng kaakibat na disiplina sa pagkakaroon ng limitadong oras para dito.Iwasan nating sayangin ang oras natin bagkus ay gumawa tayo ng mas makabuluhang mga bagay.
– Internetatrisk

 

Signing off …